Ngayon na ang oras at panahon para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na sagutin ang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya sa Manila Regional Trial Court.
“It is now time for Mr. Teves to face justice,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa video message na umere ilang minuto matapos lumapag sa Davao City ang Philippine Air Force plane na may lulan kay Teves para sa refueling stop bago lumipad patungong Villamor Air Base sa Pasay City.
Sinabi ni Pangulong Marcos na unang ipinaalam sa kanya ang development na ito ni Prime Minister Xanana Gusmão sa katatapos lamang na ASEAN Summit sa Kuala Lumpur.
“He (Gusmão) shared that Timor-Leste was ready to send former Congressman Teves back to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ibinigay naman ni Pangulong Marcos ang kredito sa pamunuan ng Timor-Leste para sa pag-aresto kay Teves.
“This would not have happened without the assistance of President José Ramos-Horta and Prime Minister Gusmão,” ang wika pa ng Pangulo, sabay sabing “They worked very hard to bring this matter to a conclusion.”
Si Teves ay nahaharap sa 10 bilang ng kasong murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.
Una nang sinampahan si Teves ng multiple murder kaugnay ng insidente ng pagpaslang noong 2019 at kasong illegal possession of firearms and explosives. Inumpisahan na rin ang proseso ng pagtukoy sa kaniya bilang isang terorista.
“We would like to assure our citizens that lawlessness will not go unpunished,” ang diin na pahayag ng Chief Executive.
Trending
- Carlo Biado tutumbok sa World 9-Ball tourney
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Pacquiao sobrang bilis ng kamay, footwork
- Bossing, nagpaliwanag sa sinabi kay Vico
- Sue makatrabaho si Bea
- Magnolia players nakatanggap ng death threats
- Carlos Yulo gold sa Asian Gymnastics Championships