Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na tularan ang kabayanihan ng mga bayani at magkaisa para sa ikabubuti ng bansa sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Marcos ang mga bayaning nagtaguyod ng kalayaan ng bansa at ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa kapakanan ng sambayanan.
Aniya, ang deklarasyon ng kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ay mahalagang yugto sa kasaysayan dahil ito ang pormal na paggiit ng karapatan ng mga Pilipino na pamahalaan ang kanilang sarili at tukuyin ang sariling kapalaran.
“It was the moment we formally asserted our right to govern ourselves and determine our own destiny. The years that followed tested our resolve as we built institutions, strengthened national unity, and sustained a truly independent republic,” ani Marcos.
Binigyang-diin din ng pangulo ang kahalagahan ng pagprotekta sa katotohanan, responsableng paggamit ng teknolohiya, at pagpapanumbalik ng tiwala sa gitna ng lumalalim na pagkakahati-hati sa lipunan.
“We must protect truth from distortion, harness technology wisely, and restore trust in a time increasingly marked by division and distrust. How we respond to these demands will shape the course of our nation and define what we pass on to future generations,” ani Marcos.
“As we honor this day, we are reminded that freedom is not merely a legacy we inherit but a responsibility we must uphold,” dagdag pa ng pangulo.
Trending
- Ombudsman nais ng individual affidavits mula sa 18 ex-bodyguard ni Zaldy Co
- Oil price rollback, nakaumang sa sunod na linggo
- PBBM sa mga Pilipino: Tularan ang kabayanihan ng mga bayani
- 8 wanted arestado sa Caloocan City
- EL NINO HANGGANG ENERO
- IRAN : TRUMP ATRAS
- VP SARA: DI AAGAW NG PODER
- Alex Eala handa ng harapin si Zhang ng China
