Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ma-“reset” ang relasyon ng Pilipinas at China at hindi na maulit ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal na ikinasugat ng dalawang tauhan ng Philippine Navy.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, tumagal ng isang oras at 20 minuto ang pulong ng Pangulo at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan matapos ipatawag ang AMBASASADOR sa Malacañang noong Martes.
Sinabi ni Castro na nais ng Pangulo na magkaroon ng mas magandang pakikipag-ugnayan upang maiwasan ng mga karahasan sa West Philippine Sea .
“Tumagal ang meeting ng isang oras at bente minutos, nag- usap sila at nais ng Pangulo na hindi na maulit ang mga pangyayari at mare-set sana ang relasyon ng Pilipinas at China sa mas magandang pakikipag-ugnayan,” ani Castro.
Hindi naman masabi ni Castro kung tinanggap ng Chinese Ambassador ang kagustuhan ng Pangulo dahil nakangiti naman ito nang lumabas sa opisina kung saan nag-usap silang Pangulo.
Sinabi ni Castro na nasa labas sila ng tanggapan kung saan nag-usap ang Pangulo at ng Chinese Ambassador pero dinig ang sagutan ng mga ito ng pananaw.
Hindi naman masabi ni Castro kung hanggang saan ang saklaw ng sinasabing re-set pero umaasa ang Palasyo na sana magkaroon ng mas magandang resulta ang naging pag-uusap.
===

Share.
Exit mobile version