Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pinakaaprubadong opisyal ng gobyerno sa pinakabagong nationwide survey ng RPMD Foundation Inc..
Sa “Boses ng Bayan” survey na isinagawa noong Abril 1 hanggang 8, nakakuha si Marcos ng 57-percent Index of Governance (IOG) score, kasama ang 56-percent trust rating at 58-percent approval rating.
Isinagawa ang survey sa 5,000 respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes sa buong bansa, na may ±1 percent margin of error at 95-percent confidence level.
Ayon sa RPMD, nanatiling matatag ang tiwala ng publiko kay Marcos kahit may mga usapin tungkol sa posibleng impeachment ni Vice President Sara Duterte at pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa.
Pinakamalakas umano ang suporta kay Marcos sa Balance of Luzon, habang lumakas din ang kanyang suporta sa Mindanao na kilalang balwarte ng mga Duterte. Sa Visayas naman, sinabi ng RPMD na hati pa rin ang opinyon ng mga tao ngunit bahagyang pabor sa pangulo.
Samantala, nakakuha si Duterte ng 54-percent IOG score, na may 57-percent trust rating at 51-percent approval rating. Malakas pa rin ang suporta sa kanya sa Mindanao ngunit mas mababa ang approval rating niya kumpara sa ibang senior officials sa survey.
Nakakuha naman si Senador Vicente Sotto III ng 52-percent IOG score, habang si House Speaker Faustino Dy III ay may 55-percent IOG rating.
Sa mga Cabinet officials, nanguna si DSWD Secretary Rex Gatchalian bilang top-performing official na may 87-percent IOG score. Sinundan siya nina DepEd Secretary Sonny Angara na may 85 percent, DILG Secretary Jonvic Remulla na may 82 percent, at DPWH Secretary Vince Dizon na may 80 percent.
Ayon kay RPMD executive director and Global Affairs analyst Paul Martinez: “The electorate are becoming more politically divided, but also more engaged and more discerning. Regional and class-based preferences are becoming more pronounced, reflecting a more competitive and evolving political environment.”

Share.
Exit mobile version