Mistulang nagparinig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga kritiko matapos sabihin sa kanyang talumpati sa isang aktibidad sa Makati City na ang kanyang gobyerno ay hindi natutulog at hindi nagbabakasyon, at sa halip ay nag-iisip ng mga paraan para matulungan ang mga Pilipino.
Sinabi ng Pangulo na tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo ng kanyang administrasyon upang maalalayan ang mga Pilipinong higit na nangangailangan sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng bigas at tulong pinansiyal para sa mga barangay.
“Asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay hindi natutulog, hindi nagbabakasyon kung hindi walang ginawa, kung hindi mag-isip ng paraan kung ano ang pangangailangan ng ating mga – ng taumbayan,” anang Pangulo.
Matatandaang ang mga katagang “aksiyon, aksiyon, hindi bakasyon” ay madalas banggitin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang pinatutungkulan ay si Vice President Sara Duterte na madalas bumibiyahe sa labas ng bansa.
Nitong Lunes ng umaga ay namahagi ng tulong at pondo ang Pangulo sa Makati City para sa mga mahihirap na mamamayan sa ilalim ng programang “Bawat Bayan Makikinabang”.
Nitong nakalipas na linggo ay namahagi rin ng kahalintulad na serbisyo ang Presidente sa mga lungsod ng Muntinlupa, Paranaque, at Las Piñas at sa ilang lalawigan.
Trending
- Zaide hinirang na reyna ng Ladies Masters sa 58th MTBA Open
- Medalya sa Karate One-Youth League mailap sa Pilipinas
- Pahaging ni Catriona: ‘Leaders are elected to serve the people — not to be worshipped!’
- Lara Quigaman pinuri sa paglalantad ng mga puting buhok
- Ai Ai delas Alas hindi pantay ang paa
- Declogging ops sa mga pangunahing kalsada, muling isinagawa ng DPWH
- P1B agri-transformation inilunsad ng PH, world bank, UK
- Sirit-presyo sa diesel, gasolina nakaumang
