tesssssstt

Impressed na impressed ang First Couple na sina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos nang paunlakan sila ng mga awitin ni The Voice US Season 26 grand winner na si Sofronio Vasquez.

Naganap ito nang mag-courtesy call si Sofronio sa Malacañang Palace nitong January 8.
Clad in modern-styled Barong Tagalog, nasa isang hall sila with a few audience na mga panauhin ng First Couple.

Nag-intro muna ni TVUS champ bago niya kinanta ang kanyang unang piyesa, initially saying how blessed he was to be in front of the Marcos couple.

Ni-research pa raw niya ang kanyang aawitin: “I’ve learned, Mr. President, that you’re a Beatles fan so this song is for you…”

Kinanta ni Sofronio ang awiting Imagine ng Beatles.

Sinundan ito ng pag-awit niya ng kanyang winning song na A Million Dreams.

Nang matapos ay kinamayan siya ng First Couple.

Ani PBBM na nagbiro: “If I cannot learn to sing that way, I promise I’ll never sing again…never again!”

Pinuri ng Pangulo si Sofronio base sa kanyang panonood nang manalo ito.

“Generous” daw ito dahil hindi nananapaw sa mga kasamang nagpe-perform.

Ganoon daw para kay PBBM ang tunay na singer who should perform the way Sofronio did: “It’s all about the music, not the singer!”

Hanggang sa huli, hindi pa rin maka-get over ang Pangulo sa paghanga kay Sofronio: “You sing so damn well!”

“Ako dapat ang magpa-picture sa ‘yo!” pahabol ni PBBM bago naganap ang photo op.

Share.