Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay tennis star Alex Eala sa panibagong tagumpay nito sa Mubadala DC Open sa Washington, D.C.
Sa social media post ng Pangulo, ipinagmalaki nito na mayroon ng unang Women’s Tennis Association (WTA) 500 champion ang Pilipinas.
Binati ng Pangulo si Eala sa kanyang panibagong makasaysayang tagumpay sa patuloy nitong pagbibigay kahulugan sa kung ano ang posible sa Philippine tennis.
Ang panibagong tagumpay aniya ni Eala ay inspirasyon sa mga batang Pilipino na mangarap ng walang limit.
“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” anang Pangulo sa kanyang social media page.
Sinabi ng Pangulo na ang sambayanang Pilipino ay kasamang nagdiriwang sa panibagong tagumpay ni Eala.
Tinalo ni Eala ang American tennis player na si Jessica Pegula.
=====
Trending
- Warriors muling pinapirma sina De’Anthony Melton at Gary Payton II
- Pacman, tinalakan ‘bentahan ng laro’ sa liga niya
- Maja at Kathryn, magkahiwalay ng tent, magkagalit?
- Andres at Kai, magdjowa na?
- Rochelle at Jopay, kumpirmadong may iringan!
- P12K sa guro sa Cavite special polls
- Mga senador kinuwestiyon TRO vs P85 umento
- Special Education Fund para sa seguridad ng iskul
