Inanunsyo ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagpapaliban sa dalawang laban na nakatakda ngayong Linggo, Agosto 9, dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa mga ipinagpalibang laro ang Phoenix Super LPG Fuelmasters kontra Rain or Shine Elasto Painters at Barangay Ginebra San Miguel kontra Blackwater Bossing.
Ayon sa PBA, ginawa ang desisyon para matiyak ang kaligtasan ng mga fan, player, opisyal, at staff.
Pinayuhan ng PBA ang publiko na abangan ang bagong iskedyul ng mga laro sa kanilang mga opisyal na channel at gawin ang kinakailangang pag-iingat kaugnay ng lagay ng panahon.
====
Trending
- EALA DISKARIL KAY BENCIC, SABAK SA US, SINGAPORE OPEN
- PBA ipinagpaliban 2 laro dahil sa masamang panahon
- Pia, nilayasan ng dating glam team ni Heart?
- Ruru, nag-throwback sa pamba-basted ni Barbie
- Toni Fowler, nagpatanggal ng boobs
- ‘Killer’ nina Perry Mariano, driver arestado
- Extradition ni Quiboloy dedesisyunan ngayong taon
- 10 ‘maleta boys’ laya na
