Nasawi ang isang pasyente na misteryosong nahulog sa fourth floor, o pang-apat na palapag, ng isang hospital building sa bayan ng Midsayap sa probinsya ng Cotabato nitong gabi ng Martes, May 26.
Ayon sa mga kinauukulan, ang nasawing si Said,32 anyos, may asawa, ay residente ng Barangay Kapinpilan sa bayan ng Kadayangan sa Bangsamoro Special Geographic Area na sakop ng Bangsamoro region ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.
Sa ulat ng Midsayap Municipal Police Station, nahulog mula 4th floor ng hospital building si Said kung saan siya naka-confine dahil sa isang karamdaman,
Una diumanong nag-uusap muna si Said at ang kanyang menor-de-edad na kapatid sa ward ng naturang hospital kung saan nagreklamo siyang hirap huminga bago naganap ang kanyang diumano pagkahulog sa hospital building mula sa isang bukas na bintana nito.
Inaalam pa ng mga imbestigador at ng hospital management kung ano talaga ang mga totoong circumstances kaugnay ng naturang insidente.

Share.
Exit mobile version