Hindi umano nakatutulong sa pagresolba ng sigalot ang pagpapataw ng China ng persona non grata kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“The declaration of Beijing as Secretary Teodoro as a persona non grata in China, it’s very unhelpful in my view because it achieves very little,” ani Marcos sa panayam sa mga reporter habang nasa Canada.
Ayon sa Pangulo, tugon lamang ito ng China sa mga naging pahayag ni Teodoro sa ilang foreign fora, ngunit hindi umano ito nakakatulong sa pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa sigalot sa teritoryo.
“It’s not just helpful. Of course, it’s China’s prerogative to do what they please… in my view, it raises the level of tension rather than lessens it,” dagdag niya.
Sa kabila nito, tiniyak ng Pangulo na bukas pa rin ang Pilipinas sa patuloy na komunikasyon sa China sa government-to-government, commercial, at personal na lebel.
“Everything that we can is being explored and cutting off another line of communication, which is through our defense ministries, I do not see how it will help the process that we’re trying to manage the tensions,” anang Pangulo.
Matatandaang ipinagbawal ng China si Teodoro at ang kanyang pamilya na makapasok sa Mainland China, Hong Kong, at Macao.

Share.
Exit mobile version