Hinirang na kampeon si Miguel Pardo ng Team TBAM sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championship Classified Masters Division na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.
Kumamada si Pardo ng 1,779 points sapat para maiuwi ang napakagandang trophy at tumataginting na P60,000 cash prize mula sa prestihiyosong kumpetisyon.
Binati ni MTBA President Benny Antiporda si Pardo dahil sa maganda nitong inilaro mula sa unang araw ng kumpetisyon hanggang sa finals.
Natangay naman ni Taylor Son ng MTBA-Remate ang 1st runner award sa iskor na 1,758 kung saan tumanggap ito ng cash prize na P30,000.
Ayon kay Son medyo kinapos lang siya ang ilang puntos para makuha ang karangalan pero natutuwa na rin siya at naibulsa niya ang 1st runner award para sa prestihiyosong kumpetisyon.
Naitakas naman ni Joseph Rivera (SLETBA) ang 3rd place award matapos umiskor ng 1,731 points. Tumanggap din si Rivera ng trophy at P15,000 cash prize.
Nagkasya naman si Konny Son (MTBA-Remate) sa 4th place matapos umiskor ng 1,724 na may nakalaang premyong P8,000 habang sinungkit ni Ramces Guzman ang 5th place sa iskor na 1,722 at nakalaang P5,000 na premyo.
Kumasa rin sa kumpetisyon at sinigurong mananalo sina Ted Pagkatipunan (AMBA), Joel Lasam (PTBA), at Tantan Rivera (MTBA-Nobleland) na hinirang bilang 6th, 7th, at 8th places, ayon sa pagkakasunod-sunod, na may premyong tig-P4,000.
Trending
- Carlo Biado tutumbok sa World 9-Ball tourney
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Pacquiao sobrang bilis ng kamay, footwork
- Bossing, nagpaliwanag sa sinabi kay Vico
- Sue makatrabaho si Bea
- Magnolia players nakatanggap ng death threats
- Carlos Yulo gold sa Asian Gymnastics Championships