tesssssstt

Nasawi ang isang pulis nang barilin ng kanyang misis na isa rin pulis sa Angeles city Pampanga.

Sa report, tama sa ulo ang sinasabing ikinamatay ng pulis noong Lunes ng gabi habang nasa garahe ng kanyang bahay sa Brgy. Cuayan, Angeles City, Pampanga.

Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang misis nitong pulis din ang bumaril sa biktima.

Bago ang insidente, sinabi ng ilang kapitbahay na may narinig silang putok ng baril at nakitang duguan ang biktima na may ranggo na Police CMSgt.

Napag-alaman din na baril ng pulis na misis ang ginamit sa pagbaril. May ranggo na MSgt ang salarin.

Sinabi naman ni PRO3 Director PBGen. Jean Fajardo, lumilitaw na pagmamay-ari ng pulis na misis ang baril.

May pinagdaraanan umano ang salarin dahil sa kanilang relasyon ng biktima.

Kapansin-pansin din ang pag-iiba ng mga kilos ng salarin bago ang insidente.

Nahaharap sa kasong parricide ang pulis na misis.

Share.