Muling nagpakitang-gilas ang Pandi Municipal Police Station (MPS) matapos itong kilalaning Rank 1 sa hanay ng Top Performing Class A Municipal Police Stations sa buong Region III para sa Agosto 2026, batay sa PNP Focused Agenda Accomplishments.
Sa inilabas na talaan ng Philippine National Police (PNP), nagtala ang Pandi MPS ng 76.82% total earned points, dahilan upang makuha nito ang unang pwesto sa naturang pagkilala.
Kasama rin sa Top 10 ang iba pang bayan ng Bulacan: Marilao na nasa ika-3 pwesto (59.51%), Bocaue sa ika-4 na pwesto (56.87%), Plaridel sa ika-7 pwesto (49.93%), at Sta. Maria sa ika-10 pwesto (46.36%).
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pandi MPS sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng PNP para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpapalakas ng police visibility, at pagbibigay ng mabilis at maaasahang serbisyo sa mamamayan.
Patunay rin ito ng dedikasyon ng buong hanay ng Pandi MPS, gayundin ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan para sa isang mas ligtas at mapayapang Bayan ng Pandi.(Danilo Gravador)
Trending
- Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI
- Campus attack sa Banga, planado ng attacker
- Pacquiao : May honorary doctorate mula PNU
- Netizens, pinuri si Echo sa pagiging gentleman at sweet
- Atasha, nag-flex ng abs
- Katherine, hindi na naiilang kay Coco!
- ASIA TOUR NI GABE TARDIO SA OPUS MALL DINAGSA
- Philippines Men’s at Women’s Teams wagi sa 46th Chess Olympiad
