Ligtas ang lahat ng pasahero at crew ng Philippine Airlines (PAL) Flight PR116 matapos itong mag-divert at mag-emergency landing sa Anchorage, Alaska ngayong Setyembre 8 (oras sa US).
Ayon sa opisyal na pahayag ng PAL, isinagawa ang pagpapalit ng ruta bilang pangkagipitang hakbang matapos makatanggap ang flight crew ng babala hinggil sa cabin pressurization system ng eroplano.
Tiniyak din ng pamunuan ng kompanya na nakatutok sila sa sitwasyon upang alalayan ang mga naapektuhang pasahero at maiayos ang kanilang susunod na biyahe patungong Vancouver.

Share.
Exit mobile version