Bagama’t nabigo ang prosecution team na mabuksan sa pre-trial conference ang Bureau of Internal Revenue (BIR) box, na naglalaman umano ng tax records ni Vice President Sara Duterte at mister nitong si Manases Carpio, ilalaban pa rin umano ito sa impeachment trial dahil karapatan ng taumbayan na malaman ang nilalaman nito.
Noong Huwebes ng gabi, Hunyo 26, ay pormal nang natapos ang PTC kung saan gumugol ang magkabilang panig ng limang araw subalit hindi naitago ni Prosecutor at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pagkadismaya dahil hindi pumayag ang mga abogado ni Duterte na mabuksan ang kontrobersyal na BIR box.
“Dismayado tayo na hindi nabuksan ang sealed BIR box para mamarkahan na rin bilang mga ebidensya ang mga nilalaman nito sa pre-trial stage dahil sa pagtutol ng defense,” pahayag ni De Lima.
Magugunita na isinubpoena ng House committee on justice ang BIR para isumite ang record ng binayarang buwis ni Duterte at mister nitong si Atty. Manases Carpio mula 2007 hanggang 2024 upang ibangga sa P88 million na laman sa 2024 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng pangalawang pangulo.
Gayunpaman, hindi pumayag ang mga abogado ni Duterte mabuksan ang BIR box subalit hindi umano ito isusuko ng prosekusyon dahil ilalaban nila umano ito pagdating sa impeachment trial.
“Sa kabila nito, maninindigan pa rin tayo na dapat mabuksan ito para malaman ng taumbayan ang mga impormasyong makikita kaugnay ng tax records nina VP Sara at ng kanyang asawa,” ani De Lima.
“Sabi nga: Kung wala naman itinatago at makikitang kahina-hinala, walang dapat ikabahala sa nilalaman ng box,” dagdag pa ng mambabatas.
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan
