Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ilegal ang pag-photocopy o paggawa ng kopya ng mga perang papel ng Pilipinas nang walang pahintulot ng BSP.
Nilinaw ito ng BSP matapos kumalat sa social media ang maling pahayag na maaaring gamitin ang photocopied na pera bilang pambayad sa mga produkto.
Ayon sa BSP, batay sa Circular No. 829 (2014), bawal ang pag-print, pag-photocopy, pamamahagi, o paggamit ng larawan o kopya ng perang papel nang walang awtorisasyon.
Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng 5 hanggang 10 taon.
Pinapayagan lamang ng BSP ang pagkopya ng perang papel para sa edukasyon, kasaysayan, o numismatic (pag-aaral at koleksiyon ng salapi), at kailangan pa rin ng kanilang pahintulot.
=====
Trending
- Cebu, Zambo lifters kuminang sa World Youth Championships
- Noskova kampeon sa Wimbledon
- Jasmine, sinabihang laos
- Ken Chan, nagparamdam na
- Regine, nagpaliwanag sa libreng last major concert
- Pantabangan muling lumutang nang matuyot ang dam
- Pulis sugatan sa ambush; trike driver nadamay, patay
- Ex-OWWA chief Ignacio, kinasuhan sa P1.4B land deal
