Epektibo na ngayong Sabado, Hulyo 25, ang unang tranche ng P85 arawang umento sa sahod sa National Capital Region (NCR).
Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27, nakatakdang makatanggap ng P60 dagdag-sahod ang mga minimum wage earner.
Dahil dito, tumaas sa P755 mula P695 ang arawang minimum wage sa non-agricultural sector.
Habang naging P718 mula P658 ang sahod ng mga manggagawa sa agriculture, maliliit na retail at service establishments, at manufacturing firms na may limitadong bilang ng empleyado.
Ang ikalawang yugto ng umento na P25 ay ipatutupad sa Enero 20, 2027, na magtataas sa minimum wage sa P780 para sa non-agricultural sector at P743 para sa iba pang sektor.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ito ang pinakamalaking wage hike sa kasaysayan ng Metro Manila, na inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 1.1 milyong manggagawa.

Share.
Exit mobile version