Iginiit ni Sen. Rodante Marcoleta na layunin lamang na patahimikin siya ng kasong plunder at indirect bribery na isinampa laban sa kanya kaugnay umano ng kaniyang mga pahayag tungkol sa mga anomalya sa flood control projects at bago ang impeachment trial ng kaalyadong si Vice President Sara Duterte.
Sa kaniyang privilege speech, tinalakay ni Marcoleta ang alegasyong tumanggap siya ng P75 milyon mula sa tatlong indibidwal noong Enero 2025 habang kongresista pa siya.
“The trumped-up charges filed against me and some of my friends are not merely legal accusations. They form part of a deeper and more nefarious design— to intimidate independent voices, to punish dissent, and to warn every senator that the price of asking hard questions could lead to personal damnation,” ani Marcoleta.
“If the intention of these cases is to silence me, let me say this at the beginning. It has failed. I will not be silenced,” dagdag niya.
Batay sa imbestigasyon ng Field Investigation Bureau ng Office of the Ombudsman, umano’y inamin ni Marcoleta sa Commission on Elections na natanggap niya ang pera. Ayon sa mga imbestigador, hindi maituturing na simpleng regalo ang halagang P75 milyon dahil maaari umano itong may kapalit na pabor mula sa senador.
Inihayag din sa imbestigasyon na hindi umano idineklara ni Marcoleta ang naturang halaga sa kaniyang 2025 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Sinabi ng senador na sasagutin niya ang mga alegasyon sa “a proper forum.”
“Someone said sometimes you need to bend the law. Am I right, Secretary Remulla, now, Ombudsman?” ani Marcoleta na tumutukoy kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
“Sabi niya yes, sir. So kaya nilang baluktutin lahat. They can imprison me, they can arrest me, but they will not win. Itaga nila yan sa bato,” dagdag niya.
Kabilang si Marcoleta sa mga senador mula sa majority bloc na nahaharap sa mga reklamo at imbestigasyon. Sina Sen. Ronald dela Rosa at Bong Go ay tinukoy bilang co-perpetrators sa crimes against humanity case laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Si Senate President Francis Escudero naman ay nasa ilalim ng preliminary investigation kaugnay ng plunder complaint sa umano’y flood control scandal, habang inirekomenda ng Department of Justice na sampahan sina Sen. Jinggoy Estrada ng plunder at graft charges kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project.
Sinusuri rin ng Sandiganbayan ang rekomendasyon ng DOJ na sampahan ng corruption case si Sen. Joel Villanueva. Samantala, iniimbestigahan din sina Sen. Mark Villar at Camille Villar kaugnay ng umano’y market manipulation at insider trading na kinasasangkutan ng negosyo ng kanilang pamilya.
Nauna nang sinabi ni Sen. Imee Marcos na may umano’y banta laban sa mga miyembro ng majority bloc upang lumipat sa minority bloc at mabawi ang liderato sa Senado.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer
