Arestado ang pitong katao sa iligal na pagbebenta ng  mga petroleum product at pagkakasamsam ng P62.2 million petroleum product ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detetion Group (CIDG) sa isinagawang operation sa Batangas City.
Ang mga naaresto pawang mga lalake na taga Batangas, Davao, Palawan, Navota, leyte at  Navotas City.
Ayon kay PMGen Robert AA Morico II, Director ng CIDG, ang operation ay isinagawa ng pinagsanib na elemento ng Regional Special Operations Team  (RSOT) CIDG Regional Field Unit 4A, CIDG Batangas Provincial Field Unit, Batangas Maritime Police Station (MARPSTA), at Philippine Ports Authority (PPA)-Batangas sa Barangay Wawa, Batangas City.
Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba nang mabigong magpakita ng kaukulng mga permit o license mula sa Department of Energy (DOE) nang maaktuhan na nagbebenta ng mga petroleum product (Diesel).
Narekober ang isang tugboat na naglalaman ng 31,199 liters ng diesel fuel, 5 plastic containers na naglalamang ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P2,294,027.00.
Nasa kustodiya ng CIDG RFU 4A ang mga naaresto na sumasailalaim sa imbestigasyon at nasa custodiya ng Batangas Maritime Police Station ang tugboat.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong Batas Pambansa Blg. 33,  Iillegal trading in Petroleum product.
=====

Share.
Exit mobile version