Naaresto ang apat na drug high value target (HVI) at nasamsam ang P 61.2 million halaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias, Cavite nito Linggo ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto sa alias “Asil”, 45-anyos, mangingisda, ng Taguig City; alias “Almukrim”, 28, ng Sulu Province; alias “Alshamier”, 24, mangingisda, ng Tawi-Tawi; at alias “Dharwina”, 32-anyos, ng Sulu.
Ayon kay Glenn Malapad, PDEA –PIO, 2:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office – National Capital Region (NCR) Northern District Office, PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team 2, PDEA Regional Office IV-A Cavite Provincial Office, Cavite Maritime Police Station, sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite at 2:00 ng hapon nitong Mayo 3, 2026.
Nasamsam sa mga suspek ang 9 na blue foil packs lna may label na “very delicious” na naglalaman ng shabu, na may timbang na 9 kilograms na nagkakahalaga ng P61,200,000.00. buy bust money, 3 identification cards, 2 mobile phones, at black van na ginagamit ng mga suspek sa kanilang operasyon.
Nasa kustodiya ang mga suspek ng PDEA RO NCR habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, particularly for the sale and possession of dangerous drugs.
Trending
- Wind Power Project kinasela sa Banahaw
- Impeachment trial nais pang gawing simple
- EU nagkaloob ng 5 million euro security assistance sa Pilipinas
- Khan pinagbotohang alisin ng ICC members
- LGU may malaking tungkulin sa pag-depensa sa WPS
- P85 dagdag-sahod sa NCR epektibo na
- Polisiya ng Pinas mahigpit kontra forced labor
- Romualdez ‘nag-donate’ ng $5M sa Cornell University
