Ninanakawan ng P60 kada araw ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) habang tumatagal ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 laban sa P85 wage hike, ayon kay Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña.
Ito ang pahayag ni Cendaña kaya kailangan aniyang bawiin ng korte ang nasabing TRO sa lalong madaling panahon.
Kinakailangan pong i-lift, ibasura ang TRO sapagkat sa bawat araw na naririyan yan, bawat araw na ninanakawa ng sisenta pesos ang mga minimum wage earners natin,” pahayag ng mambabatas.
Unang ipinatupad ang wage increase noong July 27, 2026 ang unang P60 sa P85 na inaprubahang umento ng NCR regional wage board kung saan subali’t naglabas ang nasabing korte ng TRO noong July 30,2026.
Ang TRO ay kasunod ng petisyon ng Readycon Trading and Construction Corporation at R-II Builders Inc., na naging dahilan para magwala ang mga manggagawa at noong Lunes ay naghain na ang mga ito ng petisyon para bawiin ang TRO na ito.
“Lubha po na kababahala that this sets a very dangerous precedent that could eventually be a resort for forces that are enemies of the workers’ welfare and rights not just in NCR but across the country,” ani Cendana.
Ayon sa mambabatas, marami pang wage hike petisyon sa iba’t ibang rehiyon sa bansa subalit nanganganib na umano ito ngayon dahil sa TRO na ito kaya kailangang bawiin at ibasura ito sa lalong madaling panahon.
Isa po itong panganib sa marami ma-wage-hike petitions na nakaamba sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. And we hope that this issues will be resolved the soonest time possible,” ayon pa sa mambabatas.
Umapela din ito sa liderato ng Kamara na agad na isalang ang kanilang House Resolution (HR) 1273 para alamin ang epekto ng TRO na ito sa wage hike sa Metro Manila sa kapakanan ng mga manggagawa.
Trending
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!
- Yayo, hiwalay na sa dyowa
- Planetarium , telescope viewing ilulunsad ng PAGASA
- Reklamo vs bagong DOH chief, aaksyunan
- Jinggoy humirit sa Sandiganbayan
