Naghain ng panukala ang Makabayan bloc sa Kamara para ipako sa P50,000 kada buwan ang entry salary ng mga nurse, hindi lamang sa mga government hospital kundi maging sa pribadong pagamutan.
Maliban dito, nakasaad din House Bill (HB) 9841o Comprehensive Nursing Law of 2026, na ibaba sa anim na pasyente ang inaalagaan ng isang nurse mula sa kasalukuyan na 40 hanggang 60.
“This bill is a decisive step towards correcting this injustice and building a health system that truly serves the Filipino people,” paliwanag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kanilang panukala.
Sinabi ng mambabatas na sa kasalukuyang sistema, inaabuso ng mga ospital ang karapatan ng mga nurse kaya kailangan aniyang amyendahan ang Republic Act No. 9173 o Philippine Nursing Act of 2002 para sa kapakanan ng mga ito ay maging ang mga pasyente.
Bukod kasi aniya sa mababang sahod ay contractual employees ang estado ng karamihan sa mga ito lalo na sa mga private hospital at pinag-aalaga pa ng 40 hanggang 60 pasyente kaya dapat aniyang baguhin na ang sistemang ito.
“There is no place for contractualization and job insecurity in our hospitals. This bill mandates direct hiring and security of tenure for all nurses, in both the public and private sectors,” anang mambabatas.
Dahil sa kalagayan aniya ng mga ito sa Pilipinas, umabot na sa 316,000 sa kanila ang nangibang bansa na kung saan mas mataas ang kanilang sinasahod at naproproteksyunan ang kanilang karapatan.
Umaabot naman aniya sa 124, 999 ang unemployed at underemployed o nilayasan ang kanilang propesyon at ang 106,694 naman ang nagtatrabaho sa mga pribadong hospital na minimum ang kanilang sinasahod.
“It is unjust that the nurses who cared for us during the pandemic continue to be paid wages that cannot sustain a family. It is time to recognize their sacrifice and provide true justice,” ani Tinio.
=====

Share.
Exit mobile version