Nananawagan si House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang panukalang batas para sa P200 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa bansa. Pulitika
Apela ni Mendoza kay Pangulong Marcos, huwag ng hintayin pa ang magiging desisyon ng regional wage boards bago matapos ang kasalukuyang taon.
Tinukoy ni Mendoza ang pagbaba ng pagtaya ng International Monetary Fund at Asian Development Bank sa magiging paglago ng ating ekonomiya ngayong taon.
Ayon kay Mendoza, malaki ang maitutulong sa bumabagal na takbo ng ating ekonomiya kung palalakasin ang kakayahang gumastos ng bawat pamilyang Pilipino.
Diin pa ni Mendoza, sa dalawang taong natitira sa administrasyon ni PBBM ay hindi sapat na ipagdiwang ang klasipikasyon ng Pilipinas bilang upper-middle-income country kung hindi ito mararamdaman at pakikinabangan ng mga manggagawang Pilipino.
Trending
- Victor Wembanyama, pumirma ng $252-M rookie max extension
- Joshua Pacio, naselyuhan ang ONE Strawweight MMA world title
- Housemates sa Bahay ni Kuya, nagsama sa isang pelikula
- Elisse Joson tinawanan akusasyong kabit ng politiko
- Ate Gay ‘di pa cancer free, sumalang sa cyberknife
- Pinoy ‘guilty’ sa pagpatay sa misis na Pinay sa US
- Sakahan winasak ng rumaragasang flash flood
- Matibag inimbita ng FBI
