Nagkakahalaga ng P101.5 million ng shabu ang nasamsam habang 6 na mga High Value Taget (HVT) ang naareto ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation sa Parañaque City at Dulag, Leyte nitong Huwebes.
Sa isinagawang buy bust operation sa Parañaque City, naaresto ang babae suspek na kinilala sa alias “Bossing,” 35-anyos at 4 kasama nito na pawang mga Filipino nationals.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na elemento PNP DEG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA sa area ng Sun Valley, Parañaque City.
Nasamsam sa mga suspek ang 13 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P91,045,200.00, isang baril , cash, buy bust money.
Samantala, 11:35 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang Regional PDEU 8 at PDEA RO8 sa Brgy San Jose Dulag, Leyte.
Naaresto ang suspek na si alias Jose, 45-ayons, Rank no 3 sa Regional priority target list.
Nasamsam sa suspek ang 1,547 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P10,519,600.00, buy-bust money, at iba mga personal items.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- Gilas Women makakaharap ang Lithunia sa finals ng FIBA 3×3 World Cup
- Alex Eala mapapalaban kay Leylah Fernandez sa Stuttgart
- Mikee Quintos, Heaven Peralejo may pinky promise sa isa’t isa
- Kiray Celis daig pa ‘Disney Princess’ sa piling ng mister
- Vice Ganda mala-dyosa ang atake sa Amanpulo
- P1.2M marijuana winasak sa Benguet
- Kelot sinakal ng makina ng panggiling ng kape
- 42°C heat index mararanasan sa Cotabato City
