Naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang P1.30 trilyon para sa pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon ngayong taon.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang talumpati sa ika-3rd Commencement Exercises ng West Visayas State University (WVSU) College of Law, kung saan binigyang-diin niya na mahalaga ang patuloy na pamumuhunan sa edukasyon upang higit pa mapalakas ang sistem ng hustisya at pag unlad ng bansa.
“This year we have allotted over PhP1.30 trillion for the advancement of the education- affirming our belief that the progress of the nation begins with the empowerment of its people,” pahayag ni Pang. Marcos.
Kasabay ng okasyon, pinangunahan ng Pangulo, kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, ang pagpapasinaya sa bagong apat na palapag na gusali ng WVSU College of Law na may anim na silid-aralan, review room, at dalawang moot court bilang bahagi ng pamumuhunan sa mga susunod na abogado.
Nauna nang iniulat ng Pangulo na ang pambansang badyet para sa 2026 ay naglaan ng pinakamalaking pondo sa kasaysayan para sa edukasyon na umaabot sa P1.345 trilyon o 4.36% ng Gross Domestic Product (GDP).
Gagamitin ang pondo sa pagkuha ng mga guro, learning recovery sa mga pangunahing asignatura, school-based feeding programs, at pagtatayo ng mga silid-aralan sa bansa.
Trending
- Alex Eala kampeon sa Birmingham Open!
- Mahigpit na seguridad ipatutupad sa Game 3 ng NBA Finals
- Imelda Schweighart inamin na buntis nang lumaban sa MGI All Stars
- Aljur, bumili ng diamond ring para kay AJ
- Daniel, ibinida si Kaila sa IG; Grammar ng caption, kinuwestyon
- LINDOL ; HIGIT NANG 30 ANG PATAY
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers

