Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) na nananatiling umiiral ang “one-strike policy” laban sa mga tauhan nitong masasangkot sa katiwalian, smuggling o anumang gawaing makakasira sa integridad ng ahensiya.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, maaaring agad na ma-relieve o matanggal sa puwesto ang sinumang mapapatunayang sangkot sa mga iregularidad, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra smuggling.
Ginawa ni Nepomuceno ang pahayag sa pagsisimula ng kanyang ikalawang taon bilang hepe ng BOC, kung saan binigyang-diin niya ang mas agresibong kampanya laban sa mga smuggler.
Hinimok din niya ang publiko na makiisa sa laban kontra smuggling sa pamamagitan ng “Isumbong Kay Commissioner” platform, kung saan maaaring magsumite ng impormasyon tungkol sa ilegal na aktibidad.
Muling iginiit ng commissioner ang “all-out war” laban sa smuggling at zero tolerance sa mga tiwaling tauhan ng ahensiya, kasabay ng pagbibigay-diin sa mga kamakailang operasyon laban sa bilyong pisong halaga ng ilegal na sigarilyo.
=====
Trending
- EALA UPSETS SWIATEK IN A CARDIAC GAME
- Spain, dinomina ang pisikalang laban kontra Austria, 3-0
- Heart, naospital na, na-bash pa
- Wetpax ni Shuvee, hinampas ng fan
- BB, kampi kay Robin sa Juvenile Justice Law
- Suporta ng Japan sa paglago ng Pilipinas ‘di magbabago sa gitna ng UMIC status
- Ugnayan ng Pilipinas, Canada sa turismo, labor at migration palalakasin
- One-strike policy mahigpit na ipinatutupad sa BOC
