Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino, lalo na ang mga Senador, na isulong ang pagkakaisa at unahin ang paglilingkod sa bayan, hindi sa pansariling interes at kapangyarihan.
Dahil sa gulo sa Senado tungkol sa quorum at pamumuno, nanawagan si Bishop Pabillo na bantayan ng publiko ang mga kaganapan at samahan ito ng panalangin.
Ipinagdasal niya na gabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao para makilala ang tama at mali, at magbagong-loob ang mga senador para hanapin ang kabutihan ng bayan, hindi posisyon o prestige.
Ikinalulungkot ng Obispo na naging sentro ng away sa Senado ang mga posisyon imbes na mga batas at programang makakatulong sa taumbayan.
Ayon sa Simbahang Katolika, mahalaga ang tapat at makataong pamamahala na nakatuon sa kapakanan ng lahat.
Trending
- Gilas Girl inilampaso ang Thailand sa FIBA U18 SEABA Qualifiers, 86-48
- US President Trump manonood ng NBA Finals, fan ng Knicks
- Matteo, may problema sa show
- Queenie, tapos na ng senior high; Pacman, proud parent!
- Pooh, nabudol ng P7M
- Legarda: Iligal, labag sa Konstitusyon pagbabago ng Senate leadership
- Luistro naniniwala sa kakayahan ni Gatchalian
- Tulfo, humingi ng paumanhin sa Cayetano bloc
