Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga ulat na mayroong ilang persons deprived of liberty (PDLs) ang nagagawang makapagnegosyo sa loob ng detention facilities.
Sa panayam nitong Biyernes, Abril 17, batid ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na ang mga ganitong paglabag sangkot ang small-scale businesses ay nangyayari bagamat ito ay mga isolated case.
“We recognize the fact na may mga nangyayari nga pong ganito… iniimbestigahan naman ho natin at paparusahan ang nagva-violate,” ani Bustinera.
Sinabi pa ni Bustinera na bahagi ng kanilang kita ay mula sa informal transactions sa mga inmate, kabilang ang pagbebenta ng pagkain, at pautang na mahirap imonitor.
Nilinaw din niya na sa umiiral na polisiya, tanging ang mga awtorisadong jail commissaries lamang ang pinapayagang mag-operate at ang mga PDL ay pinagbabawalan sa pagkakaroon ng malaking halaga ng cash.
Sa halip ay ginagamit ang coupon-based system para limitahan ang hindi awtorisadong transaksyon.
Ang pahayag ng BJMP ang kasunod ng mga report na may inmate sa Lapu-Lapu City Jail ang nagawang kumita nang malaki sa mga nakalipas na taon sa pagpapautang, pagbebenta, at iba pang negosyo sa pasilidad.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
