Isang 58-anyos na negosyante ang nasawi matapos barilin ng kanyang ka-angkas sa motorsiklo sa Caloocan City,
Sa pahayag ng 21-anyos na testigo sa pulisya, nasaksihan niya ang ginawang pamamaril sa biktima ng lalaking nakasuot ng light brown t-shirt at light color na pants na kanyang ka-angkas nang huminto sa Camarin Road dakong alas-7:30 ng gabi.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Quisumbing St. sa Barangay 178, Area D ng lungsod.
Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, may nakabimbing kasong isinampa ang biktima sa Caloocan City Prosecutor’s Office noong Hunyo 5, 2026 na may kaugnayan sa kasong Qualified Theft.
Inaalam pa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kung may kaugnayan ang kanyang isinampang kaso sa nangyaring pamamaslang sa kanya habang patuloy ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.(Roger Panizal)

Share.
Exit mobile version