HIHILINGIN ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste, dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras, at limang iba pa na sinasabing dawit sa umano’y planong “honey trap” kay Executive Secretary Ralph Recto.

Kasunod ito ng inihaing reklamo noong Biyernes sa DOJ ng NBI na qualified human trafficking laban kina Leviste, Paras, talent manager na si alyas “Ken” at apat na mga abogado.

Posibleng ngayong linggong ito na maisumite ang kahilingan sa DOJ, na naka-attention sa Bureau of Immigration, ani NBI Director Melvin Matibag.

Sinabi ni Matibag na huling lokasyon na namonitor si Leviste ay sa France.

Lumabas ng bansa ang mag-inang sina Senator Loren Legarda at Leviste noong Agosto 2, sa magkahiwalay na flights.(Gina Garcia)

 

 

Share.
Exit mobile version