Pinalalakas pa ng Pilipinas at Japan ang kanilang naval cooperation kasunod ng high-level talks ng Philippine Navy at Japanese naval officials sa Subic.
Pinangunahan ni Philippine Fleet commander Rear Adm. Joe Anthony Orbe ang pulong kasama si Ikeuchi Izuru ng Japan Maritime Self-Defense Force, kung saan tinalakay ang pagpapalawak ng ugnayan sa maritime security at interoperability ng dalawang bansa.
Ayon sa Philippine Navy, nakatuon ang pag-uusap sa joint maritime operations, pagpapahusay ng koordinasyon, at pagtugon sa mga hamon sa seguridad sa rehiyon.
Kasabay nito, mas pinalawak din ang partisipasyon ng Japan sa Balikatan exercises, kung saan humigit-kumulang 1,400 Japanese personnel ang kalahok, kasama ang deployment ng missile systems.
Sinabi ni Orbe na ang nasabing engagement ay patunay ng lumalalim na depensa at kooperasyon ng Manila at Tokyo.
Binigyang-diin din ng dalawang panig ang kanilang commitment sa rules-based order sa karagatan, kabilang ang paggalang sa soberanya, freedom of navigation, at mapayapang resolusyon ng sigalot alinsunod sa international law.
Ayon sa Philippine Navy, mahalaga ang ganitong hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Share.
Exit mobile version