Umabot sa 62,638 ang kaso ng kagat ng hayop sa Region 1 ngayong unang bahagi ng 2025, kung saan nangunguna ang Pangasinan.
Pinagtitibay ng Department of Health, katuwang ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources, ang kampanya laban sa rabies.
“Ang paniniwala natin na pinaka-effective na paraan na maiwasan ang rabies sa tao ay kapag nabakunahan ng rabies ang mga animal,” ani Dr. Rheuel Bobis, spokesperson of the Center for Health Development–Region 1 (CHD-1).
Dagdag pa ni Bobis na may naiulat ang limang namatay sa rabies sa rehiyon kung saan lahat ay hindi nabakunahan.
Sa kabila nito, sinabi naman ng DOH na may sapat na anti-rabies vaccines sa mga treatment center.
Paalala ng mga awtoridad: magpabakuna ang mga alagang hayop at kumonsulta agad kahit sa gasgas lamang.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
