Nasawi ang isang motorcycle rider at sugatan ang kasama nito nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Banaue, Ifugao noong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Capt. Leo Pablo ng Police Regional Mobile Force Battalion 15 na naganap ang aksidente 9:45 ng gabi sa Sitio Awan Igid, Viewpoint.

Kinilala lamang sa pangalang Justine ang nasawing rider na idineklarang dead on arrival sa Good News Hospital. Nanatili namang naka-confine ang kanyang angkas para magamot ang mga fracture at sugat na tinamo nito.

Kinailangan pang daanan ng mga rescuer mula sa RMFB15’s 1501st Maneuver Company at mga lokal na volunteer ang matatarik at delikadong dalisdis upang maiahon ang mga biktima mula sa bangin.

“The roads are dangerous and it serves as a stark reminder for all motorists to exercise extreme caution, wear proper safety gear, and adhere strictly to traffic regulations,” ayon sa pahayag ni Pablo.

Share.
Exit mobile version