Sa bisa ng warrant of arrest wanted sa apat na kasong panggahasa sa Caloocan tuluyan ng naaresto ang 28 anyos na akusado nang matunton ang kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Eastern Samar.
Hindi na nakapalag ang akusado bilang No. 3 sa Top Ten Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) nang posasan ng mga tauhan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng NPD District Special Operations Unit (DSOU) na tumutuloy ang akusado sa lugar ng kanyang live-in partner sa Sitio Rawis, Barangay Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar kaya kaagad silang nakipag-ugnayan sa HPG Regional Group Police Unit 8.
Katuwang ang mga operatiba ng Eastern Samar Provincial Highway Patrol Team, Regional Group Police Unit 8, Criminal Investigation and Detection Group Eastern Samar Provincial Field Unit, Eastern Samar Provincial Intelligence Unit, NDIT-RIU NCR at Borongan City Police Station, ikinasa ng NDP-DSOU sa pangunguna ni PLTCOL Jobie Astucia ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusdo dakong alas-10:35 ng umaga.
Dinakip ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City para sa kasong four counts of Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sinabi ni BGen. Capili, patuloy na pinalalakas ng NPD ang mga pagsisikap nito sa paghahanap at paghuli sa mga wanted person, partikular ang mga Top Most Wanted Persons, sa pamamagitan ng sustained intelligence gathering, inter-unit coordination, at focused police operations.(Roger Panizal)
Trending
- UST girls tinalo ang UE sa pagbubukas ng kampanya sa HS volleyball
- BSKE LLAW NILAGDAAN NI MARCOS; ELEKSIYON INILIBAN
- Carlos Yulo, sumungkit ng gold medals sa Asiad
- Xyriel Manabat, River Joseph pasabog chemistry
- Baron Geisler napasubo sa kakaibang tawag ng ‘fan’
- Nyoy Volante inaming may ‘something’ sila noon ni Jennylyn Mercado
- DFA OFFICE SA KYUSI PINASINAYAAN
- Emergency hospital nai-upgrade
