Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes ang libreng towing para sa mga sasakyang nalubog o naipit sa baha sa gitna ng matinding pag-ulan dulot ng habagat.
“Maaaring dalhin ang sasakyang ire-request na ipa-tow sa bahay ng may-ari o sa paggawaan. Limitado lamang sa Metro Manila ang lugar na pagdadalhan ng sasakyan,” pahayag ng MMDA.
Para humiling ng libreng towing, pinayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa mga social media account ng MMDA.
Ilang lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat nitong mga nakaraang araw, habang marami ring motorista at commuter ang na-stranded.
Nauna nang ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapatupad ng alternative work arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at iba pang lalawigan ngayong araw.
Trending
- Ateneo Blue Eagles, balik-court
- PLDT wagi kontra Akari sa PVL On Tour
- Xyriel at Alamat singer, sini-ship, may something
- Basher ng anak, lagot kay Pauleen
- Ellen, nag-swimming ng naka-undie sa Maldives, kinaray ang 2 anak
- Ama ng namaril sa AdZU sinibak sa BOC post
- ‘Wag magtitipid sa pagtulong sa gitna ng sakuna
- 1M election personnel, sasayanin para sa November BSKE
