Mas naging emosyunal pa kesa kay Ina Raymundo ang kanyang Canadian hubby noong gumradweyt ang kanilang eldest child.
College degree holder na si Erika Rae na nagtapos sa Berklee College of Music sa Boston.
Si Erika ay ang panganay ng aktres kay Brian Poturnak.
Ibinida ni Ina sa kanyang Instagram ang mga photos at video kuha sa graduation ni Erika.
Both of her parents attended the commencement ceremonies.
As expected, larawan ng isang proud mom si Ina.
Kaso, kinabog siya ni Brian na ayaw paawat sa kakaluha over their daughter’s achievement.
Ani Ina sa kanyang post, extra meaningful daw ang okasyong ‘yon dahil hindi daw naranasan ni Erika ang high school graduation due to the pandemic.
Itinuturing din ni Ina na “best Mother’s Day gift ever” ang pagtatapos ng anak.
Fyi, si Erika’y magaling na mang-aawit–kung saan she’s praised for her vlogs where she’d sing to her fans.

Share.
Exit mobile version