UMABOT sa 75 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P500,000 ang nasamsam sa isang drug pusher na ginang na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa natanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, mula kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Eyang”, 43, ng Brgy., Malinta.
Isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni ‘Eyang’ sa lungsod.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga tauhan ni Lt. Dascil sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Dulong Tangke dakong alas-7:00 ng gabi makaraang bintahan umano ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa kanya ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P510,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bi at pitong P1,000 boodle money, P250 cash, ID at coin purse
Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2902 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela City Police sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga anak, pamilya, at komunidad para sa isang mas ligtas at panatag na lungsod.(RogerPanizal)
Trending
- Perpetual nasungkit ang unang panalo sa NCAA basketball
- Jimmy Alapag bukas maging coach ng Gilas Pilipinas
- Joshua Garcia pinuna sa ‘haggard’ look
- Maymay, malakas na ang loob, dumalaw sa puntod ng ina
- Venice, sa ospital nag-bday
- Comprehensive School Safety Framework ikinasa
- Sen. Robin, planong mag-migrate sa Islamic country
- Mahigpit na implementasyon ng waste management
