tesssssstt

Bumubula ang mga bibig at wala nang buhay nang matagpuan ang isang misis at 3-anyos nitong anak na babae matapos silang palayasin ng kanyang mister, kamakailan sa San Fernando, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marittes Rosane Cabaluna, 41, at anak nitong si Ajalia Cabluna, 3, kapwa taga-Sityo Tamsi, Barangay Balud, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police chief Master Sgt. Herbert Pananganan, imbestigador ng San Fernando Police Station, bandang alas-2 ng madaling araw ay nakatanggap sila ng report na natagpuan ang mag-ina sa pansamantala nilang tinitirhan na bumubula ang mga bibig.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar at nakitang ang may-ina ay bumubula ang mga bibig at hindi na gumagalaw pa.

Isinugod sa ospital ang mag-ina at idineklarang patay ng mga umatending doctor.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng mag-ina para malaman ang sanhi ng kanilang pagkamatay o kung totoong uminom ng lason ang mga ito.

Sinabi pa ni Pananganan, bandang alas-6 ng hapon ng Enero 28, 2025, nakainuman pa ni Marittes ang kanyang kaibigan na si Dorlyn Cabillo at stepson nitong si CJ Bolo, 15, habang masaya namang naglalaro ang kanyang anak.

Dagdag pa ng pulisya, inireklamo ni Maritess ang kanyang mister na si Victor Bolo, tricycle driver, ng pananakit lalo na kapag ito ay nalalasing hanggang sa pinalayas siya nito kasama ang anak.

Share.