Binigyang-diin ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Public Affairs Office na ang mga pastoral statements ng Simbahan ay hindi inilalabas upang batikusin ang mga politiko, kundi upang gabayan ang publiko at ituro ang mga isyung nakikita nilang nakakaalarma sa pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Secillano na ang pahayag ng Simbahan ukol sa biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado ay hindi para siraan ang mga halal na opisyal, kundi upang tulungan ang mga Pilipino na mas maunawaan ang sitwasyon.
“Hindi ito politikal na pahayag. Ang ginagawa ng Simbahan ay gabayan ang kawan dahil maaaring naguguluhan ang mga tao,” ayon pa sa pari.
Dagdag pa niya, ang kasalukuyang klima ng pulitika ay mas nakatuon sa partisan politics kaysa sa serbisyong pampubliko.
“Hindi ito pulitika para sa bayan o mamamayan, kundi ginagamit upang ipagtanggol o suportahan ang kanilang kaalyado,” sabi ni Secillano.
Sa isang pastoral letter noong Huwebes, binatikos ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado, kung saan tinanggal si Senate President Vicente Sotto III at pinalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
“Itong ganitong klase ng paggamit ng kapangyarihan ay nakakahiya. Paano tayo umabot sa ganitong mababang antas ng serbisyong pampubliko?” ani Villegas.
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
