Ramdam na ramdam ang tindi ng sikat ng araw sa lungsod ng Maynila nitong Huwebes, Abril 9 matapos maitala ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang heat index na 43°C.
Ayon sa Manila DRRM Department, naitala ang “danger level” na 43°C dakong alas-3 ng hapon.
“Sa ganitong condition, posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang taong nakabilad sa initan,” anang Manila DRRM Department.
Pinayuhan nito ang mga Manileño na uminom ng 8-12 na baso ng tubig, iwasan ang matagal na pagbilad sa araw, at magsuot ng light colors at maluwag na damit.

Share.