Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng magpatuloy hanggang katapusan ng taon ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas dahil sa patuloy na sigalot sa pagitan ng US-Israeli forces at Iran.
Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa isang briefing sa Kamara na halos wala o kaunting barko lamang ang nakakatawid sa Strait of Hormuz dahil sa umiiral na blockade, na nakakaapekto sa global oil supply.
“We are hoping that the indefinite ceasefire will be sustained… Pag nakadaan po iyon, ang laki pa po ng ibababa ng price,” ani Abad, na binigyang-diin na maaaring bumaba ang presyo ng langis kung maibabalik ang normal na daloy ng suplay.
Dagdag niya, kung magpapatuloy ang tensyon at hindi pa malinaw ang kasunduan ng magkabilang panig, maaaring umabot pa hanggang katapusan ng taon ang epekto nito sa presyo ng langis.
“The long-term agreement… maybe this will be extended up to the end of the year,” aniya.
Apektado rin ang Pilipinas dahil sa mataas na pagdepende sa imported oil, kung saan umabot na sa mahigit P100 kada litro ang presyo ng gasolina sa ilang panahon.
Bilang tugon, sinabi ng DOE na patuloy ang pagbili ng reserbang diesel at LPG ng PNOC; pinalalawak din ang P10/liter fuel discount program para sa PUV drivers nationwide; at ipinapatupad ang mga hakbang para maiwasan ang overpricing ng langis.
“We cannot prevent the movement of oil prices worldwide but we can prevent overcharging,” ani Abad.
Patuloy ding binabantayan ng gobyerno ang sitwasyon habang inaasahan ang posibleng pagbabago sa global oil supply sa mga susunod na buwan.
Trending
- Dhenver Castillo nakakuha ng medalyang pilak sa windsurfing
- Cignal Super Spikers pahinga muna sa PVL
- Ex-journalist nagpakitang-gilas sa T100 Triathlon World Tour Singapore
- Willie, hinihiritan ng libreng bigas; Cristy, pumalag
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Mas malaking fuel aid sa mga mangingisda
- Unang innovation hub sa NCR, inilunsad ng DOST
