Mas maliit ang gagastusin o ginagastos sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Ito ang nabatid kay House Secretary General Cheloy Garafil sa panayam ukol sa ginagawang paghahanda ng Kamara sa SONA ni Marcos na simple lamang umano kumpara sa mga nakaraan.
“Kaya nga simple, I think its significant lesser last year. I don’t (kung magkano noong nakaraang taon) but it’s much much lesser,” ani Garafil subalit hindi nagbigay ng impormasyon kung magkano ang kabuuang gastos.
Noong 2024, gumastos ang Kamara ng P20 million sa ilang oras na SONA ni Marcos na binakbakan ng iba’t ibang grupo at tinawag na ‘insensitive’ dahil maraming ang nagugutom na Pilipino.
Sinabi ni Garafil na inabisuhan na umano ng mga ito ang mga guest at mga babaing mambabatas na magsuot lang ng simpleng Filipiniana dress na siyang nais din umano ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy.
Sa ngayon aniya ay handang handa ang Batasan Complex para nasabing okasyon at maging ang seguridad, hindi lamang ng pangulo kundi maging ang mga guest sa loob at labas ng plenaryo ng Kamara.
=====

Share.
Exit mobile version