Ipinapanukala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapalawak ng fuel subsidy program para sa mga mangingisda at buong sektor ng pangisdaan upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa isang mataas na opisyal.
Sa pahayag ni BFAR Assistant Director for Administrative Services Zaldy Perez matapos ang inagurasyon ng bagong aquaculture feed mill plant ng Southeast Asian Fisheries Development Center/Aquaculture Department (SEAFDEC/AQD) sa Tigbauan, Iloilo, sinabi niyang bahagi ito ng direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Agriculture na palawakin ang tulong sa buong value chain ng fisheries sector.
“The proposal is to cover not only the municipal sector but also commercial and aquaculture operations,” ani Perez.
Sa ilalim ng panukala, maaaring makatanggap ng tulong ang commercial at aquaculture operators batay sa dami ng huling isda, na may mungkahing subsidiya na P10 kada kilo.
Maaari namang umabot sa P9,000 kada buwan ang direktang ayuda para sa mga municipal fisherfolk, ngunit ipatutupad lamang ito habang may krisis.
Nilinaw ni Perez na mananatili pa rin ang umiiral na fuel subsidy ng BFAR na P3,000 kada mangingisda o rehistradong bangka habang pinoproseso pa ang mas pinalawak na programa.
Hinikayat din niya ang mga mangingisda na makipag-ugnayan sa mga regional office ng BFAR upang ma-update ang kanilang rehistro at beripikasyon ng bangka para matiyak ang pagkuha ng subsidiya.
Trending
- Dhenver Castillo nakakuha ng medalyang pilak sa windsurfing
- Cignal Super Spikers pahinga muna sa PVL
- Ex-journalist nagpakitang-gilas sa T100 Triathlon World Tour Singapore
- Willie, hinihiritan ng libreng bigas; Cristy, pumalag
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Mas malaking fuel aid sa mga mangingisda
- Unang innovation hub sa NCR, inilunsad ng DOST
