tesssssstt

Muling nanawagan ang kampo ni Mary Jane Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos para sa clemency ng Filipino drug convict.

Kasabay ito ng pagdiriwang ni Veloso ng kaarawan sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Ilang taong nakulong sa Indonesia si Veloso dahil sa kasong may kaugnayan sa droga at inilipat sa Pilipinas nito lamang Disyembre 2024.

Sa ilalim ng napagkasunduan ng gobyerno ng Indonesia at Pilipinas, binigyan nito ng awtoridad ang Pangulo na pagkalooban si Veloso ng clemency.

“On Mary Jane Veloso’s 40th birthday, we ask, ‘What are you waiting for, Mr. President?’” saad ni Edre Olalia, isa sa mga abogado ni Veloso, sa kanyang post sa X ngayong Enero 10.

“Indonesia said it is alright with them that you grant her clemency and that responsibility is passed on to you. UAE has already pardoned 220 Filipinos recently,” dagdag niya.

Share.