Tiniyak ng water concessionaire na Manila Water na handa ang kanilang suplay ng tubig ngayong tag-init.
Ito’y sa kabila ng inaasahang pagtaas ng demand nito.
Ayon kay Manila Water Inc. Corporate Communications Manager Dittie Galang, pinalalakas na nila ang paggamit ng iba pang water sources gaya ng Laguna Lake at Upper Wawa Dam dahil sa mas mataas ang konsumo ng tubig, lalo na sa lumalaking populasyon sa Metro Manila.
May naka-standby rin na mga deep well na maaaring gamitin kung lalampas sa inaasahan ang demand.
Bagama’t nananatiling pangunahing pinagkukunan ang Angat Dam, sinabi ni Galang na halos nasa maximum capacity na ito.
Wala rin umanong nararanasang shortage sa tubig sa kabila nang malakas na konsumo ngayong summer season.
Trending
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
- Pinas pinakamahal na singil sa kuryente sa ASEAN
- Kahirapan ugat ng krimen
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
