Makakahinga nang maluwag ang mga motorista matapos ianunsyo ang malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad simula bukas, Hunyo 23.
Ayon sa Department of Energy (DOE), bababa ng P3.90 hanggang P5.90 ang presyo kada litro ng gasolina, habang P9.04 hanggang P11.04 naman ang rollback sa diesel.
Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P9.82 hanggang P11.82 kada litro.
Samantala, tinatayang aabot sa 43.86 araw ang kabuuang suplay ng langis sa bansa. Kabilang dito ang 43.75 araw para sa gasolina, 40.42 araw para sa diesel, at 128.96 araw para sa kerosene.
Trending
- Mag-utol na Yulo nag-uwi ng gold, bronze medal sa Asian Championships
- EALA BIGO KAY MERTENS; SEEDED NO. 29 SA WIMBLEDON
- Taiwan trip ng KimPau, bukelya
- Cacai, naloka sa P94+k bill ng kuryente!
- JLC at Ellen, may ‘balikang’ magaganap
- Malakihang rollback sa presyo ng petrolyo
- Bagyong Francisco, lumakas pa
- Pre-trial sa impeachment ni VP Sara umusad na
