Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson nitong Martes, Hunyo 2, ang majority bloc ng Senado ng ‘dereliction of duty’ matapos na hindi sumipot sa regular session nitong Lunes.
Sa pahayag, sinabi ni Lacson ng Senate minority group, na ang no-show ng majority members “sought to hold legislation hostage” sa pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada.
Aniya, ang hakbang na ito ay sumasalamin sa “plain and simple dereliction of duty,” at hindi isang kaso ng paninindigan para sa independence ng Senado.
Nitong Lunes, hinamon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang minorya ng Senado na depensahan ang kalayaan ng kapulungan kasunod ng pag-aresto kay Estrada dahil sa non-bailable plunder case.
“Standing up for the Senate’s independence does not place SP Cayetano and any senator above the law. It has nothing to do with non-adherence to the rule of law. Dereliction of duty will not solve this partisan gridlock. Its sole purpose is to hold legislation hostage,” sinabi ni Lacson.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Senate minority bloc na binubuo ng 11 senador, na ang pagtanggi ng mayorya na dumalo sa plenary session nitong Lunes ay pag-boycott dahil umano sa pag-aresto kay Estrada.
Dahil sa pag-boycott na ito ay naapektuhan ang mga mahahalagang hakbang na dapat sana ay tatalakayin kabilang ang Magna Carta of Barangay Health Workers, Anti-Hospital Detention Bill, confirmation ng mga heneral sa Commission on Appointments at mga panukalang magbibigay ng Philippine citizenship kay Bennie Boatwright III at Matthew James Ramos.
Idinagdag pa na “the public should not be asked to believe another convenient line from a leadership that has repeatedly twisted the truth.”
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA
