There were business plans that never materialized.
Ito ang the least na impormasyong galing sa isang taong malapit sa mag-asawang QC Rep. Arjo Atayde at Maine Mendoza, when squeezed kung ano na nga ba ang status ng couple.
Hindi pa din kasi humuhupa ang tsikang hiwalay na sila.
Pinagbasehan kasi ang ipinost na video ni Bayani Agbayani na kuha sa joint birthday celebration ng mag-amang Art at Ria Atayde.
Conspicuously absent kasi si Maine sa supposed family affair na ‘yon.
Pero mismong si Bayani na din deleted the video, realizing it was a private occasion–and therefore, not for public consumption.
Lately ay nag-post si Sylvia Sanchez ng isa pang family picture on a different family gathering kung saan nandoon na si Maine at si Arjo.
But just the same, lumutang na ang tsismis that Maine and Arjo are going through some rough patch in their marriage.
Giit pa ni Bayani, that time daw ay may sakit si Maine–making her unable to attend.
Ayon pa din sa tao identified with the couple, walang bahid ng katotohanan ang tsismis.
At kung may totoo man daw, ito ‘yung naudlot na plano ng mag-asawa na magtayo ng fine dining resto sa kahabaan ng Tomas Morato sa QC.
Other than that, wala na.
Samantala, kasabay nito’y ang paglutang ng balitang sasabak na din sa local politics ang ina ni Arjo, si Sylvia.
Ang siste, tatakbo sa Kongreso ang actress-producer habang sa ibang puwesto ang tatakbuhan ni Arjo.

Share.