Naglabas ng abiso ang pamunuan ng New York Knicks sa paghihigpit ng seguridad para sa Game 3 ng 2026 NBA Finals sa Lunes (Martes sa Pilipinas) sa iconic Madison Square Garden (MSG).
Sa inilabas na anunsiyo, makikipagtulungan ang MSG sa United States Secret Service upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng bawat manonood sa venue.
Isang “no-bag policy” ang ipatutupad sa buong venue.
Pinapayuhan ang mga fan na limitahan ang kanilang mga personal na gamit hangga’t maaari.
Bukod dito, dadaan ang lahat sa isang “TSA-style screening procedure” o mala-paliparang pagsisiyasat bago makapasok sa arena.
Dahil sa inaasahang mahabang pila dulot ng masusing inspeksiyon, hinimok ng Knicks ang fans na dumating nang maaga — hindi bababa sa dalawang oras bago ang tip-off — upang magkaroon ng sapat na oras sa screening at pagpasok sa stadium.
Idiniin din sa abiso na walang ibibigay na taguan o storage ang MSG para sa mga ipinagbabawal na gamit na madadala sa venue.
Ang hakbang na ito ay dahil sa inaasahang pagdalo ng mga high-profile personality kabilang na si US President Donald Trump na inimbitahan ng may-ari ng Knicks na si James Dolan.
Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Knicks para masungkit ang championship matapos muling itakbo ang Game 2 kontra San Antonio Spurs, 105-104, at makuha ang 2-0 lead sa 2026 NBA Finals.
=====
Trending
- Alex Eala kampeon sa Birmingham Open!
- Mahigpit na seguridad ipatutupad sa Game 3 ng NBA Finals
- Imelda Schweighart inamin na buntis nang lumaban sa MGI All Stars
- Aljur, bumili ng diamond ring para kay AJ
- Daniel, ibinida si Kaila sa IG; Grammar ng caption, kinuwestyon
- LINDOL ; HIGIT NANG 30 ANG PATAY
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers

