Hinigpitan ang seguridad sa Ninoy Aquino Stadium noong Biyernes ng gabi matapos makatanggap ng death threats sina Paul Lee, Ian Sangalang at William Navarro.

Nakatanggap ang Magnolia players ng pagbabanta matapos ang pagkatalo nila laban sa NLEX Road Warriors.

Isang dummy account ang nag-comment sa Instagram account ng Magnolia players at nagbanta ng pananakit sa mga manlalaro at kani-kanilang pamilya.

Sinasabi rin ng nag-comment na natalo siya ng malaking halaga na pera sa pustahan sa laro.

Dahil dito, kinailangan pang i-escort ang mga manlalaro sa Ninoy Aquino Stadium.

Share.